Mga kawatan, bigong tangayin ang P2 milyon sa pag-atake sa van ng bangko | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

News

Mga kawatan, bigong tangayin ang P2 milyon sa pag-atake sa van ng bangko

Mga kawatan, bigong tangayin ang P2 milyon sa pag-atake sa van ng bangko

Richmond Hinayon,

ABS-CBN News

Clipboard

Bigo ang mga kawatan na tangayin ang target nilang pera nang tambangan ang van ng isang bangko Lunes sa Agusan del Norte.

Dead on the spot ang guwardiya ng EastWest Bank sa pananambang sa L300 van ng bangko sa bayan ng Buenavista sa Agusan del Norte Lunes ng hapon.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, planado ang krimen at target ng mga kawatan ang dalang pera ng mga biktima.

May nakuhang bag ang mga armadong lalaki mula sa sasakyan pero kinumpirma ng pulisya na maling bag ang kanilang natangay.

ADVERTISEMENT

Nakuha mula sa likod ng namatay na guwardiyang si Jilson Lumanao ang isang bag na may lamang perang nagkakahalaga ng P2 milyon.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente. Naghahanap na rin ang pulisya ng mga CCTV footage sa lugar para makatulong sa pagkilala sa mga salarin.

Sinimulan na rin ang computerized facial composite ng mga salarin batay sa paglalarawan ng mga nakakita sa pangyayari.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.