Computer shop sa QC, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2018 12:30 AM

Nasunog ang isang computer shop sa Barangay Valencia, Quezon City Lunes ng gabi.

Tinatayang nasa P200,000 ang pinsala ng sunog.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, sumiklab ang apoy alas-8 p.m.

Nagsimula umano ito sa stockroom ng computer shop sa Aurora Garden Plaza.

Umabot lamang ang sunog sa unang alarma at naapula alas-10:15 p.m. Hindi na ito kumalat sa mga katabing lugar.

Wala namang naiulat na nasugatan sa sunog at patuloy pang inaalam ng BFP ang sanhi nito. - ulat ni Ron Lopez, ABS-CBN News