4, timbog sa buy-bust sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2018 08:15 AM

Paul Palacio, ABS-CBN News

Arestado ang 4 na umano'y tulak sa ikinasang buy-bust operation sa Roseville Subdivision, Buhangin District sa Davao City.

Ang mga nahuli ay isang draftsman, ang kaniyang tiyohin at tiyahin, at isang kapitbahay.

Narekober sa kanila ang 7 sachet ng hinihinalang shabu, 4 na sachet ng pinatuyong marijuana at drug paraphernalia. 

Tinatayang nagkakahalaga ng P150,000 ang mga nasamsam na droga.

Pinabulaanan naman ng mga suspek na sangkot sila sa pagtutulak.

Ayon naman sa Santa Ana police, kinokonsidera nila na mga street level pushers ang mga nahuli.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. - ulat ni Paul Palacio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.