Tiniyak ng Department of Health ang pagsusumikap na mas maging malapit at mura ang mga serbisyong medikal at pasilidad sa mga taga-malalayong lugar.
Halimbawa rito ang pagtatayo ng Siargao Island Medical Center (SIMC) na pinondohan ng P380 million mula sa national budget ngayong 2023.
Itatalagang level 2 medical facility ang SIMC na may 100 kama at iba’t ibang department, tulad ng consulting specialist, ob-gyne, surgery, emergency at outpatient services, isolation at surgical facilities, at iba pa.
Kabilang sa mga dumalo sa groundbreaking ceremony ng SIMC ay sina DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, House Speaker Martin Romualdez, presidential son Vinny Marcos, at ang CEO ng Scheirman Construction na si William Scheirman.
Naniniwala naman ang Department of Tourism na sa pamamagitan ng medical center ay lalong lalakas ang turismo sa Siargao.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.