Ebidensiyang nakuha sa 3 naaresto sa buy-bust operation sa Barangay San Jose, Navotas, Pebrero 18, 2023. Kuha ng Navotas City Police Station
Arestado noong gabi ng Sabado ang 2 magkapatid at isa nilang kasamahn sa buy-bust opreration sa Navotas City, ayon sa mga awtoridad.
Base sa ulat ng pulisya, alas-11 ng gabi nang madakip ang mga suspek sa may Barangay San Jose.
Ayon kay Police Capt. Luis Rufo Jr., lider ng Navotas Police Station Drug Enforcement Unit, karamihan sa mga parokyano ng 3 suspek ay mga mangingisda at trabahador ng fish port sa lungsod.
Dati na rin umanong may kaso laban sa 2 suspek.
Nakumpiska umano sa mga suspek ang 5 plastic sachet na may 5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P40,800 ang halaga.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
FROM THE ARCHIVES
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.