PatrolPH

PANOORIN: Malaking sawa natagpuan sa billboard sa Butuan City

ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2022 02:54 PM

Bumulabog sa mga residente ng Butuan City ang isang sawa na nakasabit sa mataas na bahagi ng isang billboard sa lungsod gabi ng Biyernes. 

Sa kuhang video ni Switzerlou Cruzado, makikita ang tangkang pag-rescue sa sawa ng 2 lalaki. 

Nagkagulo ang mga residente matapos magpumiglas ang sawa, at makikita sa video na may isang lalaking nakahuli sa ulo ng sawa kaya’t kumalma ito.

Ayon kay Cruzado, halos kasing-haba ng isang multicab ang sukat ng sawa.

Agad na itinurn over sa awtoridad ang malaking ahas. — Ulat ni Lorilly Charmane Awitan 

Kaugnay na video: 

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.