PatrolPH

Pansamantalang paaralan ng mga batang apektado sa Marawi siege, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2021 01:03 AM

Pansamantalang paaralan ng mga batang apektado sa Marawi siege, nasunog 1
Kuha ng BFP-Marawi, Pangoyat Kalombayan

MARAWI – Isang paaralan sa Barangay Sagonsongan, Marawi na para ng mga biktima ng Marawi siege ang nasunog Huwebes ng gabi.

Natupok ang apat na classrooms sa Dansalan National High School, na pansamantalang paaralan ito ng mga bata sa lungsod matapos masira ang kanilang paaralan sa Marawi siege noong 2017. Ginagawa pa kasi ang bagong paaralan nila sa nawasak na siyudad.

Rumesponde ang mga firetruck ng probinsya at ng Bureau of Fire Protection ng bayan ng Saguiaran, pero madali pa ring naabo ang mga silid-aralan. 

Tumagal ng higit 20 minuto bago tuluyang napatay ang apoy. 

“Gawa kasi sa light materials ang classrooms,” ani FO2 Japar Macabala. 

Patuloy ang imbestigasyon ng mga bumbero kung ano ang sanhi ng sunog lalo’t walang tao rito. Hindi pa rin naman kasi nagagamit ang paaralan sa harapang pagka-klase. 

Higit 300 estudyante ang nag-aaral dito.--Ulat ni Roxanne Arevalo

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.