Tricycle driver, timbog sa 'shabu' na nakatago sa candy wrapper

Grace Alba, ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2020 03:59 AM

BATAC CITY, Ilocos Norte - Timbog sa pagbebenta ng hinihinalang shabu ang isang 53 anyos na tricycle driver na si alyas "Boy" Lunes ng hapon sa Barangay Tabug sa Batac City.

Bukod sa dalawang sachet ng shabu na ibinenta ng suspek sa pulis na nagpanggap na buyer, nakuha pa sa kaniyang bulsa ang dalawa pang sachet na naglalaman rin umano ng shabu.

Nakalagay ang shabu sa wrapper ng candy.

Nakuhanan rin ang suspek ng P5,000.

Matapos ang operasyon, dinala sa ospital ang suspek dahil sa alta presyon.

Isang buwang binantayan ng mga pulis ang galaw ng suspek na nauna nang sumuko sa Oplan Tokhang ng gobyerno.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.