PatrolPH

'Tiwala sa anak mahalaga para maagang pagbubuntis maiwasan'

ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2020 12:10 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Tumataas na ang bilang ng insidente ng maagang pagbubuntis, o teenage pregnancy na isinisisi sa samu't saring dahilan gaya ng social media at pagbibisyo.

Gayunman, iginiit ng direktor ng Commission on Population and Development na mahalaga ang tiwala ng magulang sa mga anak para maiwasan ang maagang pagbubuntis nito.

May pagkakataon kasing dumidistansiya ang anak sa magulang kapag hindi ito nabibigyan ng sapat na tiwala.

"The parent [should be] a listener and able to help the adolescent understand the situation na dinaanan din niya. 'Yong kabataan are seeking relationships, intimacy so you have to be able to guide your own children into these situations," ani POPCOM director Juan Antonio A. Perez III sa programang "Sakto" ng DZMM.

Sa datos ng POPCOM, lumalabas na nadagdagan ng 63 porsiyento ang bilang ng mga nabubuntis mula edad 10 hanggang 14 anyos magmula taong 2011 hanggang 2018.

Ito umano ay sa kabila ng pagbawas ng insidente ng teenage pregnancy sa bansa.

Ipinaliwanag pa ni Perez na mahalagang manggaling kasi sa magulang ang mga natutunan ng anak tungkol sa sexual education.

"'Yan ang gusto namin sana [na 'yong] unang learnings galing magulang [kasi] hindi sila ganoon active ngayon and even yung mga teacher sinasabi mas marami pang nalalaman ang estudyante," ani Perez.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.