Driver ng truck na nakapatay sa mag-ina sa Bulacan, timbog

ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2020 06:02 AM | Updated as of Feb 19 2020 07:05 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nakakulong na at isasailalim sa drug test ang driver ng truck na naaksidente at nakapatay ng mag-ina sa San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon kay Police Cpl. Dante de Guzman ng San Jose del Monte Police, nakakuha sila ng impormasyon na naka-shabu umano ang suspek na si Eliazar Lumawag bago maaksidente. Itinanggi ito ng suspek.

Bago maaksidente, lumabas na natiketan at nakumpiska ang lisensiya ng suspek Martes ng umaga matapos niyang mabangga ang ilang bollard at signage sa Tungkong Mangga. 

Nakatakdang lumabas ang resulta ngayong Miyerkoles ng hapon ngunit patong-patong na kaso na ang isasampa laban sa suspek. 

Patay ang isang vendor ng pakwan at ang sanggol niyang anak, habang 12 ang sugatan nang araruhin ng minamanehong truck ng suspek ang tatlong sasakyan at isang tindahan.-Ulat nina Dexter Ganibe at Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.