Construction worker kalaboso sa pagnanakaw umano ng cellphone

ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2020 05:32 AM

Arestado ang lalaking construction worker na si Jetro Mendoza Eluna matapos umanong magnakaw ng cellphone sa Muñoz, Quezon City.

Ayon sa babaeng biktima na si alyas Jane, papunta siya sa Cubao galing Balintawak at nakasakay sa bus nang malaman niyang wala na ang kanyang smartphone. 

May pasaherong namang nagsabi sa kanya na isang lalaki ang nagnakaw ng cellphone at bumaba na sa Muñoz.

Sa tulong ng mga security ng isang mall sa nasabing lugar, nahuli ang lalaki. Itinanggi pa nito na siya ang nagnakaw pero natagpuan ng security guard ang isang cellphone na tinapon sa gilid ng kalsada.

Dinala sa barangay ang suspek at kakasuhan ng biktima ng theft. Aminado naman ang suspek na modus nila ang magpanggap na pasahero para makapagnakaw. Kapos umano siya sa pera kaya niya ito ginagawa.-Ulat nina Lyza Aquino at Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.