Businessman patay sa pamamaril sa Batangas

ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2020 05:19 AM

Patay ang isang businessman matapos mauwi sa barilan ang away nito sa isang konsehal sa Calaca, Batangas.

Ayon sa paunang ulat ng Calaca Police, nasa gasoline station sa Barangay Sinisian ang suspek na kinilalang si alyas Manny, isang barangay councilor, nang biglang dumating ang biktimang si Manuel del Rosario, 46 anyos. 

Sa hindi malamang dahilan, biglang sinapak ni del Rosario ang suspek sa likurang bahagi ng ulo at nagsimula ang gulo. 

Tumakbo palayo ang suspek pero hinabol ito ng biktima at nauwi sa palitan ng putok ng baril ang away.

Tinamaan ng bala ang biktima na agad naman naitakbo sa Ospital ng Calaca ngunit idineklarang dead on arrival na.

Sumuko na sa istasyon ng pulis ang suspek na sinampahan ng kasong murder.-Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.