3 arestado dahil sa pagsusugal sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2020 05:25 AM

Isang tricycle driver, tindero at lalaking walang trabaho ang arestado habang naglalaro ng cara y cruz sa Fifth Avenue, Caloocan City.

Batay sa paunang ulat ng Caloocan Police, rumoronda sila sa nasabing kalsada nang may magsumbong sa kanila na isang residente hinggil sa ginagawa ng tatlo. 

Doon natyempuhan ang mga suspek na nagsusugal sa gilid ng kalsada.

Nakakulong na ngayon sa Caloocan Police Station ang mga suspek bilang alinsunod sa Presidential Decree 1602 o Anti-Illegal Gambing Law.-Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.