Suspek sa pagpatay sa Comelec officer sa Batangas, arestado

Kevin Joseph Dinglasan, ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2019 09:29 PM

Dinakip sa bisa ng warrant of arrest ang suspek sa pamamaslang sa Commission on Elections (Comelec) officer ng bayan ng Mabini sa Batangas, sa bayan ng Sariaya sa Quezon. Larawan muna sa Bauan Police 

SARIAYA, Quezon - Hawak na ng pulisya ang suspek sa pagpatay sa isang officer ng Commission on Election (Comelec) sa Batangas.

Sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder, inaresto ng pinagsamang pwersa ng Municipal Police Station ng Bauan at Sariaya, pati na rin ng Regional Intelligence Branch ng pulisya, si Antonio Marasigan, alyas Bayawak, sa Barangay Manggalang Bantilan sa bayan ng Sariaya, Lunes ng gabi.

Ayon sa pulisya, si Marasigan ang suspek sa pamamaril kay Noel Miralles, Comelec officer ng bayan ng Mabini sa Batangas, noong isang taon sa bayan ng Bauan.

Pangalawa sa listahan ng most wanted personalities sa buong Batangas ang 53-anyos na suspek.

Nasa kustodiya siya ngayon ng Bauan police at haharap sa kasong pagpatay.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.