P5-M halaga ng kemikal, produktong pampaganda, nakumpiska sa Davao City

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2019 11:55 PM

DAVAO CITY - Kinumpiska ng awtoridad ang aabot sa P5 milyong halaga ng mga kemikal at produktong pampaganda sa isinagawang operasyon sa Barangay Indangan, Buhangin, Davao City Martes.

Kabilang sa mga nakumpiskang produkto ay mga bleaching cream, coffee scrub, at iba pang mga kemikal na sangkap sa paggawa ng mga produktong pagmamay-ari umano ng isang Marvin Marba.

Hindi umano dumaan sa pagsusuri ng Food and Drug Administration ang mga produkto kaya hindi ito ligtas na gamitin.

Wala si Marba nang isinagawa ang operasyon. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.