PatrolPH

Barbecue vendor, natagpuang patay sa Davao City

Cheche Diabordo, ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2019 10:24 AM

Barbecue vendor, natagpuang patay sa Davao City 1
Posible umanong noong isang araw pa pinatay ang biktima, ayon sa pulisya. Nawawala rin sa bahay ang inipong pera ng pamilya na nakalagay sa isang alkansiya. Cheche Diabordo, ABS-CBN News

ALKANSIYA NG BIKTIMA, NAWAWALA

DAVAO CITY - Patay na nang matagpuan ang isang barbecue vendor sa loob ng kaniyang inuupahang kuwarto sa Barangay 29-C, Martes ng umaga.

Nadatnan ang bangkay ng biktimang si Narry Tunan ng kanyang pamangkin sa loob ng kuwarto. Ayon Sa Scene of the Crime Operatives, posibleng pinalo ang biktima dahil nakitaan siya ng sugat sa ulo. May takip din ang bibig nito.

Sabi ng live-in partner niyang si Perla Nazario, nawawala ang alkansiya ng biktima na may laman umano na nasa mahigit P8,000 na kanilang inipon.

"Iniwan namin siya kahapon ng umaga mga alas-6 dahil umuwi kami sa Jose Abad Santos, Davao Occidental dahil death anniversary ng aking ama. Kasama niya dito sa bahay ang aming boy na si Charlie Tungol," sabi ni Nazario.

Nawawala ngayon si Tungol na isa sa mga iniimbestigahan ng pulisya.

Ayon sa SOCO, matindi ang tama sa ulo ng biktima na umanoy posibleng dahilan kung bakit ito namatay.

Posible rin na Lunes pa ito ng umaga pinatay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.