Babae, sinaksak umano ng ex-boyfriend sa loob ng bus

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2019 03:54 PM | Updated as of Feb 19 2019 04:12 PM

KUTSILYONG GINAMIT, NAKATARAK PA SA DIBDIB

TAGUM CITY - Nasa kritikal na kalagayan ngayon ang isang babae matapos undayan ng saksak ng dati umano niyang kasintahan, Martes ng umaga.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nasa loob ng bus na nakaparada sa terminal ang 25-anyos na biktima.

Umakyat umano ng bus ang kaniyang dating boyfriend at bigla na lamang siyang sinaksak sa dibdib.

Naiwang nakatarak pa sa dibdib ng biktima ang ginamit na kutsilyo ng suspek.

Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.