4 na suspek sa pagpatay ng MILF commander sa Cotabato, arestado

ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2019 04:17 AM | Updated as of Feb 19 2019 06:29 AM

MAYNILA - Naaresto ng mga awtoridad ang 4 na lalaki na umano'y sangkot sa pagpatay sa isang commander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Cotabato.

Nasa kustodiya ng Cotabato Police Provincial Ofice ang mga suspek na pawang mga magsasaka.

Ayon sa pulisya, naaresto ang mga suspek sa bayan ng M'lang matapos ang isinagawang hot pursuit operation ng pinagsanib na puwersa ng Cotabato police at 7th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nitong Linggo, Pebrero 17 nang pagbabarilin umano ng mga suspek hanggang sa mapatay ang biktimang si Jun Pananggulon na 7th brigade commander ng 108 Base Command ng MILF.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang M14 rifle, M16 rifle, at carbine rifle. Inihahanda na ang mga kaukulang kaso laban sa mga suspek. - ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.