2 patay sa San Pablo, Laguna buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2019 07:31 AM | Updated as of Feb 19 2019 07:32 AM

LAGUNA - Patay ang 2 lalaki sa buy-bust operation sa San Pablo City, Laguna nitong Sabado.

Kinilala ang mga suspek na sina Miguelito Manalo at Pastor Barcenas.

Ayon kay Supt. Eliseo Bernales, hepe ng San Pablo City police, nagpaputok umano ang mga suspek nang mahalata nilang pulis ang kanilang katransaksiyon.

"Itong grupo ang talagang kilalang kumakalat ng droga sa lugar," aniya.

Dinala pa sa ospital sina Manalo at Barcenas pero idineklarang dead on arrival.

Nakatakas naman ang ilang kasamahan ng mga suspek. Narekober sa crime scene ang isang kalibre .45 na baril, isang kalibre .38 na baril, at ilang sachet ng hinihinalang shabu. 

Hindi naman nagpaunlak ng panayam ang pamilya ng mga suspek. - ulat ni Kevin Dinglasan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.