PANOORIN: Kotse, nasunog sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2018 10:54 PM | Updated as of Sep 27 2018 08:51 PM

Nasunog ang isang SUV sa tapat ng emergency room ng Makati Medical Center nitong Lunes ng gabi.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, isang 2014 Toyota Prado na may plakang AAM-4016 ang nagliyab pasado alas-8 p.m.

Nagsimula ang sunog sa may kaliwang bahagi ng makina kung saan nakalagay ang baterya ng sasakyan.

Minamaneho ito ni Jack Mie Lumingkit na susunduin sana ang kanyang amo nang mangyari ang insidente.

Naapula naman ito kaagad ng isang sekyu gamit ang fire extinguisher. - ulat ni Fred Cipres at Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.