4 arestado sa drug bust sa QC; P40K halaga ng shabu nasabat

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2018 10:04 AM

Nasabat sa nga suspek ang 11 sachet ng shabu at ang isang buong P500 na marked money. Arra Perez, ABS-CBN News

Arestado ang 2 babae at 2 lalaki sa isang operasyon kontra droga ng pulisya sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City, Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Hydee Iludo, Orson Rizardo, Jing Castillano at John Villanueva, mga pinaghihinalaang pusher.

Ayon sa mga awtoridad, target ng kanilang operasyon si Iludo, pero natiyempuhang nasa lugar din ang iba na may transaksiyon sa suspek.

Narekober sa mga suspek ang 11 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P40,000. Nahaharap sila sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.