Temperatura sa Malaybalay, Bukidnon bumagsak sa 10.4 degrees Celsius

ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2021 09:27 PM | Updated as of Feb 18 2021 11:38 PM

(UPDATED) Bumagsak sa 10.4 degrees Celsius ang temperatura sa Malaybalay City, Bukidnon ngayong Huwebes, isa sa pinakamababa na naitala doon, ayon sa PAGASA. 

Ayon sa PAGASA El Salvador Station sa Misamis Oriental, naitala ito alas-5:30 ng umaga. 

Ayon kay Ann Fortich, Assistant Weather Services Chief, Mindanao Pagasa Regional Services Division (MPRSD), noong February 4, 1973 nakapagtala ng pinakamababang temperatura ang Malaybalay na umabot sa 10.0 degrees Celsius.

Malamig sa Malaybalay dahil elevated ang lokasyon nito at maraming kahoy malapit sa lugar. 

Bumababa din ang temperatura lalo na kung maulan ang panahon. — Ulat ni PJ dela Peña

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.