6 arestado sa droga at pagdadala ng baril sa Las Piñas

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2021 05:03 AM | Updated as of Feb 18 2021 06:52 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Nagkahabulan ang mga pulis at 2 drug suspect na nahuli sa kanilang Oplan Galugad sa Pilar Village, Bgy. Pilar, Las Piñas Lunes.

Ayon kay Police Maj. Romeo Britanico, Pilar substation commander, dati nang nasumbong sa kanila na sangkot sa pagtutulak ng shabu ang arestadong sina Pablito Garcia at Russell Paggao.

Bago ito, nakunan sa surveillance video si Garcia na nakikipagtransaksyon sa mga umano'y customer.

Ayon sa pulis, tumakbo ang 2 nang datnan ng mga pulis sa Sun Flower Street noong hapon at naabutan na lang sa may creek.

Nakumpiska sa kanila ang 5 sachet ng hinihinalang shabu, isang kulay ginto na caliber .38, isang improvised na baril, at mga bala.

Nahulihan din ng droga at baril ang 4 na lalaking inaresto sa sa hiwalay na operasyon ng pulis sa Bgy. CAA (noong Martes).

Naabutan umano ang grupo sa gitna ng drug session sa Bayabas Street pasado alas-4 ng hapon.

Kinumpiska bilang ebidensya ang Isang caliber .22 na baril, 2 sachet ng shabu, at drug paraphernalia.

Nahaharap ang mga inaresto sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Law at sa Firearms and Ammunition Regulation Law. 

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC