PatrolPH

19 pasahero ng pampasaherong bangka, nailigtas sa karagatan ng Surigao del Norte

ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2021 11:35 PM | Updated as of Feb 19 2021 07:06 AM

Watch more on iWantTFC

DEL CARMEN, Surigao del Norte - Nailigtas ng Philippine Coast Guard sa tulong ng Del Carmen Fire Station ang mga pasahero ng isang bangka pasado alas-8:30 Huwebes ng umaga.

Ayon kay PO3 Brandon Lasala, deputy commander ng Philippine Coast Guard Siargao sub-station, galing ng Surigao City ang MV Philip Mark passenger vessel at pauwi na sana ng Del Carmen nang mabutas ang bahagi ng “katig” nito.

“While underway sila papuntang Del Carmen sa vicinity waters sa Barangay Sta. Cruz area naga-kuwan sila ng malaking alon tapos 'yong isang katig nila 'yong sa starboard side nabutas, natamaan daw ng floating object. Siguro kahoy, siguro sa lakas din ng alon," ani Lasala.

Dahil sa nangyari, nagdesisyon ang boat captain na i-divert ang direksyon nila papuntang Bucas Grande Island, Surigao del Norte. Agad namang nakapunta ang mga taga Philippine Coast Guard ng Del Carmen sa lugar para iligtas ang mga pasahero. 

Naabutan nila ang passenger vessel sa may Santa Cruz, Socorro. May sakay na 19 pasahero, kabilang ang 3 bata, ang passenger vessel.

Pinagbawalan na nilang pumalaot ang nga motorbanca na may 20 gross tonnage pababa dahil sa Bagyong Auring. 

Kung magbibigay na ng Tropical Cyclone Wind Signal ang PAGASA Biyernes, posibleng ipatutupad na nila ang no-sail policy sa isla ng Siargao. - ulat ni Charmane Awitan

 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.