P1.1-M halaga ng ‘shabu’ nakuha sa suspek sa Butuan drug bust

ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2020 12:45 PM

Retrato mula sa Butuan City Police Office

Tinatayang nasa P1.1 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang lalaki na target ng buy-bust operation sa Butuan City nitong umaga ng Martes.

Aabot sa 100 gramo ng hinihinalang shabu ang nasamsam umano sa nasabing suspek sa operasyong ikinasa sa Barangay Vicente pasado alas-6 ng umaga.

Itinuro ang lalaki ng 2 suspek na naunang nahuli ng mga pulis sa buy-bust operation sa Barangay Limaha sa parehong lungsod bandang ala-1 ng madaling araw, ayon sa Butuan City Police Office.

Kakasuhan ang mga naaresto ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- Ulat ni Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.