Mahigit P2.9M shabu, nasabat sa Taguig; 7 arestado

ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2020 05:21 AM | Updated as of Feb 18 2020 07:44 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Mahigit P2.9 milyong halaga ng shabu ang nakuha sa anim na lalaki at isang babae sa isang buy-bust operation ng Taguig police Lunes ng gabi sa Quiapo Dos, Barangay Maharlika, Taguig City. 

Nakumpiska ang 14 na sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 433 gramo.

Ayon kay Police Capt. Ariel Ilagan, hepe ng Taguig Police Station drug enforcement unit, target ng operasyon ang 37 anyos na si alyas Boy mula sa Jolo Sulu St. na isa sa mga runner o nagtatakbo ng shabu sa lugar. Hindi pa nahuhuli ang supplier niya. 

Inaresto naman ang iba dahil naaktuhan umanong gumagamit ng shabu. Dalawa sa mga lalaki ay mga kamag-anak ni alyas Boy. 

Itinanggi ni alyas Boy na kanya ang mga nakumpiska at siya ay nagbebenta ng shabu. Aminado naman siyang gumagamit ng droga. 

Nahaharap ang mga inaresto sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.-Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.