Mag-asawa kalaboso sa umano’y pagnanakaw sa mall sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2020 05:11 AM

Kalaboso ang babaeng buntis at mister nito matapos magnakaw umano sa isang mall sa Pasay.

Ayon kay Police Capt. Crisanto Racoma, sinita ang mag-asawa matapos mapansin ng guwardiya na nagpapasok ang mga suspek ng mga gamit sa mga bag at hindi na dumaan sa cashier ng department store. 

Nakita sa loob ng bag ang sari-saring produkto kabilang na ang mga mamahaling sapatos, sandals at iba pa na nagkakahalaga ng mahigit P32,000. 
 
Parehong 35 anyos ang mag-asawa. Ang misis na buntis ay online seller, kaya posible umanong ibinebenta nila sa internet ang mga nakaw na gamit.
 
Nakakulong na ang mga suspek sa Pasay City Police Station.-Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.