Lalaki patay sa pamamaril sa computer shop sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2020 04:45 AM | Updated as of Feb 18 2020 05:10 AM

Patay sa pamamaril ang isang 22 anyos na lalaki sa loob ng isang computer shop Linggo ng gabi sa San Carlos City, Negros Occidental.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, naglalaro sa loob ng computer shop ang biktimang si Kennet Santillan nang biglang pumasok ang isang lalaking naka-jacket at bonnet at bigla siyang pinagbabaril.

Nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang bahagi ng ulo si Santillan. Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktima.

Nakatakas ang di pa nakikilalang salarin. -Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.