Lalaki balik kulungan sa ikatlong pagkakataon dahil sa droga

ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2020 05:54 AM

Sa pangatlong pagkakataon ay balik sa kulungan ang isang lalaking pahinante ng truck matapos kumagat sa buy-bust operation Martes ng madaling araw sa Barangay Poblacion, Bustos, Bulacan.

Ayon kay Police Maj. Leopoldo Estorque Jr. ng Bustos Police, nasa drugs watchlist nila ang suspek na si alyas Patrick, 26 anyos at residente ng Norzagaray. Tumatawid ito sa Bustos para magbagsak ng droga. 

Nakumpiska sa suspek ang 7 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P40,000 at isang caliber .38 na baril.

Mahaharap sa patong-patong na kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at illegal possession of firearms and ammunition ang suspek.-Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.