Lalaki arestado sa droga sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2020 05:18 AM

Arestado ang isang 21 anyos na lalaki matapos makuhanan ng marijuana Lunes ng gabi sa San Jose del Monte, Bulacan.

Sa imbestigasyon, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga awtoridad sa Carriedo Road sa Barangay Muzon bandang alas-9 kagabi. Pinahinto ang suspek dahil wala siyang helmet pero sa halip na huminto, nagdere-deretso lang ito.

Hinabol siya ng mga pulis at napag-alamang wala itong lisensya at nang buksan ang kanyang bulsa, nakuhanan din siya ng 10 sachet ng marijuana.

Inaresto ang lalaki na haharap sa patong-patong na kaso.-Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.