Barangay kagawad arestado sa reklamong panggagahasa

ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2020 06:09 AM

Arestado ang isang barangay kagawad sa reklamong panggagahasa umano sa 21 anyos na babaeng nangungupahan sa kanilang apartment sa Sampaloc, Maynila.
 
Ayon sa biktima, pinuntahan umano siya ng kagawad nitong Lunes ng hapon para singilin sa hindi pa nababayarang upa at habang kinakausap sa labas ay pilit siyang hinahalikan ng suspek.

Sa takot, hindi na nakapalag ang biktima at hinatak pa umano sa isang kwarto at doon siya pinagsamantalahan. 

Lumapit ang biktima sa Sampaloc Police at isinumbong ang ginawa umano sa kanya ng suspek. 

Nasa kustodiya na ng Manila Police ang suspek. Sinabi nitong hindi totoo ang mga paratang sa kanya at sinabing hindi pinilit ang biktima.

Tatlong buwan nang nagrerenta ng kwarto ang biktima sa paupahan ng suspek. -Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.