6 nailigtas sa tumaob na bangka sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2020 12:29 AM | Updated as of Feb 18 2020 12:51 AM

Ligtas ang 6 katao matapos tumaob ang de-motor na bangka Lunes ng umaga sa EB Magalona, Negros Occidental.

Ayon sa Philippine Coast Guard, sumakay ng bangka sa Barangay Batia ang 6 na magkamag-anak para bumili sana ng talaba sa Barangay Manta-angan pero hindi pa nakalayo ang bangka nang masira ang tarik nito na sanhi ng pagtaob ng bangka sa baybayin ng EB Magalona. 

Dagdag pa ng mga awtoridad, malakas ang hangin at napakalaki ng mga alon ng mga oras na iyon na sanhi ng pagkasira ng bangka.

Agad nailigtas ang mga pasahero na hindi naman nagtamo ng anumang sugat sa katawan.-Ulat ni Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.