3 mangingisda patay matapos masabugan ng dinamita sa Masbate

ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2020 03:21 PM | Updated as of Feb 18 2020 06:09 PM

(UPDATE) Tatlong mangingisda ang napatay matapos hagisan ng dinamita habang nanghuhuli ng isda sa Barangay Danao sa Balud, Masbate gabi nang Lunes. 

Ayon sa imbestigasyon ng Bicol police, nangingisda ang mga biktima nang may dumating umanong isa pang bangka at bigla na lamang umano sila hinagisan ng dinamita. 

Sumabog ang dinamita 15 metro ang layo sa bangka kaya nagtamo ito ng mga injury sa iba't ibang parte ng katawan. 

Sa tindi ng pinsala, agad na binawian ng buhay ang mga biktima.

Patuloy na inaalam pa kung sino ang mga responsable sa pagpapasabog. 

-- Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.