Auto shop sa Mandaluyong nasunog

ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2019 01:31 PM | Updated as of Feb 18 2019 09:11 PM

(UPDATED) Nasunog nitong umaga ng Lunes ang isang auto repair shop sa southbound lane ng EDSA sa Mandaluyong City, sabi ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Bandang alas-11:15 ng umaga nagsimula ang sunog sa Autoplus Car Center sa may EDSA malapit sa Connecticut Street at umabot sa ikalawang alarma, ayon sa BFP.

Idineklara ang fire out alas-12:38 ng tanghali.

Ayon sa mga bombero, nahirapan silang apulahin ang apoy, na mabilis kumalat dahil sa agos ng langis mula sa auto shop.

Watch more in iWantTFC

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsala.

Nadamay sa sunog ang pitong sasakyan, kabilang ang dalawang pag-aari ni reelectionist senator JV Ejercito.

Bumigat ang daloy ng trapiko sa southbound lane ng EDSA dahil sa pag-okupa ng mga firetruck sa kalsada pero lumuwag din nang maapula na ang sunog.

--Ulat nina Henry Atuelan at Apples Jalandoni, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.