Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpapatupad sila ng "stop and go" scheme sa mga kalsadang dadaanan ng homecoming parade ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Huwebes.
Mag-uumpisa ang parada sa Sofitel Philippine Plaza Manila bandang alas-2 ng hapon, at uusad patungong Pasay, Manila at Makati.
Kabilang sa mga apektadong kalsada ang sumusunod:
• J.W. Diokno Boulevard
• Dela Rama Street
• Vicente Sotto Street
• Roxas Boulevard
• T.M. Kalaw Avenue
• Taft Avenue
• Buendia Avenue
• Ayala Avenue
May 200 traffic enforcers na ipakakalat ang MMDA para sa homecoming parade ni Gray.
Magkakaroon din ng clearing operation ang MMDA laban sa mga ilegal na nakaparadang sasakyan at iba pang obstruction sa ruta ng parada.
Nakuha noong Disyembre ni Gray ang korona ng Miss Universe sa pageant finale na idinaos sa Bangkok, Thailand.
Si Gray ang ikaapat na pambato ng bansa na nag-uwi ng korona kasunod nina Pia Wurtzbach noong 2015, Margie Moran noong 1973, at Gloria Diaz noong 1969.
-- May ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, Miss Universe, Miss Universe 2018, homecoming, homecoming parade, Catriona Gray, trapiko, traffic scheme, stop and go, Metropolitan Manila Development Authority