PatrolPH

4 na surfer arestado sa pagbebenta ng marijuana sa El Nido

ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2019 01:57 PM

4 na surfer arestado sa pagbebenta ng marijuana sa El Nido 1

Apat ang arestado sa serye ng buy-bust operations sa El Nido, Palawan, ayon sa pulisya.

Hinuli nitong madaling araw ng Lunes ang mga surfer na sina Arsani Padilla, Mark Jerald Javarez, at Paul Jonald Jimenez dahil sa umano ay pagbebenta ng marijuana.

Modus umano ng mga suspek ang magbenta ng pancake na hinaluan ng marijuana, ayon sa pulisya.

Nakuha sa mga suspek ang pitong pakete ng marijuana at ilang improvised drug paraphernalia.

Ang operasyon laban sa tatlo ay follow-up umano sa isang buy-bust na idinaos noong gabi ng Sabado, na nauwi sa pagkakadampot sa isa pang surfer na si Lloyd Legazpi.

Hinuli si Legazpi sa Barangay Bucana matapos maaktuhan na nagbebenta umano ng marijuana.

Nakumpiska kay Legazpi ang isang pakete ng marijuana, dalawang pakete ng hinihinalang shabu, at limang tableta ng hinihinalang ecstasy.

Ilang gamit rin na may mga residue pa ng ilegal na droga ang nakuha kay Legazpi.

Kinasuhan ang apat ng paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. -- Ulat ni Rex Ruta, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.