Mga parking boy, hinuli sa Oplan Disiplina sa QC

Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2018 07:56 AM

MANILA - Hinuli ang di bababa sa 50 parking boys sa isinagawang Oplan Disipilina ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa Timog Avenue Sabado ng gabi.

Hinuli ang mga parking boys na naniningil ng parking fee sa mga motoristang magpa-park sa lansangan na pagmamay-ari ng pamahalaan.
 
Singkwenta hanggang P100 ang singil sa mga magpapark. Mahigpit itong ipinagbabawal ng lokal na pamahalaan.

Binigyan naman ng warning ang mga may-ari ng mga establisyimento na ginagawang exclusive parking para sa mga kilyente ang tapat o gilid ng kanilang pwesto para sa kanilang mga parokyano. Ipinagbabawal din ito dahil muli, pag-aari ito ng pamahalaan.

Taong 2004 pa ipinpatupad ang naturang ordinansa pero marami pa rin ang lumalabag dito. Dahil dito plano ng lokal na pamahalaan na taasan pa ang multa sa sinumanglalabag sa nasabing ordinansa.

Ang mga nahuli namang parking boys, isasailalim sa drug testing.

Bukod sa mga parking boys, narescue naman ang ilang menor de edad na lumabag sa curfew.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.