MANILA - Dumating na sa Pilipinas Linggo ng umaga ang panibagong batch ng overseas Filipino workers mula sa Kuwait na nag-avail ng amnesty program ng gobyerno.
Lumapag kaninang 6:33 A.M. ang isang eroplano ng Philippine Airlines galing Kuwait lulan ang 117 OFWs.
Sinalubong sila ng mga kinatawan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at inabutan ng P5,000 cash assistance at dagdag na P5,000 cash assistance mula sa Department of Foreign Affairs.
Ayon kay Brigido Dulay, deputy administrator ng OWWA, bibigyan din ng hotel accommodation ang mga OFW hanggang makauwi sila sa kani-kanilang probinsya.
Handa ring magbigay ng livelihood at educational assistance ang OWWA para sa mga nais magtayo ng negosyo o kaya'y magpatuloy ng kanilang pag-aaral.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.