Babae, arestado sa buy-bust sa Caloocan

Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2018 07:59 AM | Updated as of Sep 23 2018 05:16 PM

MANILA - Inaresto ang isang babae matapos mahulihan ng hinihinalang droga sa West Grace Park, Brgy. 63, Caloocan.

Kinilala ang suspek na si Lady Hope Gubangco alyas Grasya, na sinasabing live-in partner ni Mark Louie Fernandez alyas Oweng, na nahuli rin sa isa pang buy-bust operation noong Biyernes.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon kay Police S/Insp. Dave Capurcos, matagal nang nagsasagawa ng test buy ang Caloocan PCP 2 sa magka-live in na sina Gubangco at Fernandez.

Nang mahuli si Fernandez, inamin nitong tatlong taon na siyang gumagamit ng droga at itinuro ang kanyang ka-live in bilang tulak at pinagkukunan niya ng droga.

Inamin naman ni Gubangco na nagbebenta siya ng shabu para may magamit sa pagbili ng pagkain.

Narekober sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P900 at P300 na buy bust money. - may ulat si Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.