6 SAF commandos, sugatan sa pananambang ng NPA sa Rizal

ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2018 01:02 PM | Updated as of Feb 18 2018 08:21 PM

(2nd UPDATE) Sugatan ang 6 na pulis ng Special Action Force (SAF) matapos silang tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) sa Antipolo, Rizal Linggo ng umaga.

Lulan ng police mobile ang SAF commandos at pabalik na sana sa headquarters nang pagbabarilin ng hindi pa batid na dami ng mga rebelde sa Barangay San Jose, ayon sa pulisya. 

Kinalala ang mga nasugatan na sina PO2s Brendo Cariño, Reymar Guevarra, Mark Andrew, Gran Omines, Joseph Alberca at Ryan Gonzales.

Pawang mga miyembro ng 33rd Special Action Company, 3rd Batallion ang mga pulis. 

Nilinaw naman ni Senior Supt. Albert Ocon, director ng Rizal Provincial Police Office, na walang nawawalang miyembro ng SAF sa engkwentro, salungat sa naunang lumabas na balita.

Isa lamang sa mga pulis ang tinamaan ng bala na nasa ligtas ng kalagayan, dagdag niya.

Ang 5 iba pang pulis ay nagtamo lang ng sugat matapos tumalon sa kanilang sasakyan. 

Pinaghahanap na ngayon ng otoridad ang mga umano'y miyembro ng NPA na agad tumakas matapos ang pananambang. - ulat ni Jeffrey Hernaez at Ron Lopez, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.