2 patay, 10 sugatan sa pagtagilid ng trak sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2018 11:05 AM | Updated as of Feb 19 2018 12:20 PM

Rumeresponde ang mga awtoridad sa naaksidenteng cargo truck sa Toledo, Cebu. Larawan mula kay Dennis Abalde

TOLEDO, Cebu - Dalawa ang patay habang 10 ang sugatan makaraang tumagilid ang isang cargo truck sa bayang ito, Sabado ng umaga.

Magdedeliver sana ng gulay mula sa Carbon public market ang truck nang mawalan umano ito ng preno at tumagilid, ayon sa pulisya.

Nasawi sa insidente sina Maria Janila Bantoy, 52 at Antonieta Villarmia, 53.

Rumeresponde ang mga awtoridad sa naaksidenteng cargo truck sa Toledo, Cebu. Larawan mula kay Dennis Abalde

Kabilang naman sa mga nasugatan ang dalawang batang edad 8 at 16.

Nasa kustodiya na ng pulis ang truck driver na si Roswel Sumbilon, na nasaktan din sa insidente.

Ulat ni Leleth Ann Rumaguera, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.