Militanteng kabataan, kinalampag ang US Embassy

ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2017 03:16 PM

Muntik nang makalapit ang ilang mga militanteng kabataan sa mismong gate ng US Embassy sa Roxas Boulevard, sa lungsod ng Maynila.

Nagtipon-tipon muna sa Plaza Ferguson sa northbound lane ng Roxas Boulevard ang mga ito saka tumawid sa gitna ng maraming sasakyan, pero bago pa makalipat sa southbound lane kung saan naroon ang US Embassy, naharang na sila ng mga pulis kaya sa inner lane na lang ng Roxas Boulevard sila nag-rally, sa tabi ng center island.

Hinarangan ng mga pulis ang center island. May trak din ng bumbero sa main gate ng US Embassy.

Tinututulan ng mga militante ang EDCA, o ang Enhanced Defense Cooperation Agreement at ang dominasyon ng US Army sa Pilipinas.

Kabilang sa mga nag-rally ang mga miyembro ng League of Filipino Students, College Editors Guild of the Philippines, at iba pa. 

- ulat ni Zhander Cayabyab, DZMM