MAYNILA - Hinimok ng Department of Science and Techology ang publiko na gamitin ang Hazard Hunter PH application na aparato na ginagamit bilang paghahanda sa "The Big One."
Paliwanag ni DOST Secretary Renato Solidum, hindi nababago ang posisyon ng fault line.
"Ito pong mga lugar na yun ay identified, alin ang magkaka-landslide, alin ang pwedeng tamaan ng tsunami at ito po'y nasa Hazard Hunter application so ibig sabihin available sa lahat ng tao pero siyempre pagdating sa local government ang local officials talaga ang dapat mag-manage kung anong gagawin sa mga lugar na delikado," ani Solidum.
Pero dahil sa mga development o pag-unlad at pagbabago sa lugar ay nababago ang panganib.
Dagdag niya, tiyak namang mulat ang mga lokal na pamahalaan kung nasaan ang mga fault.
Pero importanteng alamin kung may mga nakatayong bahay sa mga aktibong fault at pag-aralan ang structural integrity o tatag ng mga bahay at gusali.
Dito aniyang makakatulong ang Hazard Hunter app dahil maaaring pagtingnan ng mga aktibong fault at anong panganib ang puwedeng idulot ng lindol sa bawat lugar sa bansa.
Maaaring hanapin sa cellphone browser ang Hazard Hunter PH.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.