PatrolPH

Ilang imahen sa Basilan tinapon, tinanggalan ng ulo

ABS-CBN News

Posted at Feb 17 2021 07:37 PM

LAMITAN CITY, Basilan – Nagulat ang mga deboto ng 2 kapilya sa lungsod na ito matapos madiskubre ang mga sira at itinapong rebulto ng mga santo nitong Miyerkules ng umaga.

Naghahanda na sana sila para sa Ash Wednesday nang bumulaga sa kanila ang sitwasyon sa mga kapilya.

Tinanggalan ng ulo ang isang imahen sa San Isidro Labrador Chapel sa Sta. Clara, Lamitan City habang ang kapilya naman sa Little Cebu, Barangay Maganda ay itinapon sa labas ang mga rebulto ng santo.

Iniimbestigahan na ngayon kung sino ang responsable sa pagsira ng mga rebulto at kung magkaugnay ba ang dalawang insidente. 

–Ulat ni Leizel Lacastesantos

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.