PatrolPH

Bangkay ng binatilyo, natagpuan sa ilog sa Davao del Norte

ABS-CBN News

Posted at Feb 17 2021 01:24 AM

SANTO TOMAS, Davao del Norte - Natagpuan ng mga rescuer ang bangkay ng isang 15 taong gulang na lalaki sa Lunga-og river sa Barangay Kinamayan sa bayan ng Santo Tomas sa Davao del Norte Martes ng umaga.

Ayon sa ulat ng lokal na pamahalaan ng Santo Tomas, nakita pa ang biktimang si Rovic Estores na naliligo sa ilog kasama ang grupo noong Lunes.

Nawala ito bandang gabi sa kasagsagan ng paglaki ng tubig sa ilog na nagdulot ng pagbaha sa mga komunidad dahil sa matinding ulan.

Nagsagawa ng search and rescue operations pero bigong makita ang binatilyo.

Kinaumagahan natagpuang lumulutang na sa creek ang bangkay nito.

Inihahanda ngayon ng lokal na pamahalaan ang tulong gaya ng pagkain at burial assistance sa naiwang pamilya ni Estores. - Ulat ni Hernel Tocmo


RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.