PatrolPH

9 anyos babae nalunod sa ilog sa Capiz

ABS-CBN News

Posted at Feb 17 2021 07:39 PM

PANAY, Capiz - Isang 9 taong gulang na babae ang nalunod sa Barangay Candual sa bayan na ito noong Martes ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon ng Panay police, naliligo ang biktima kasama ang nakatatandang kapatid at 4 na kaibigan sa ilog malapit sa kanilang bahay.

Unang humingi ng tulong ang nakatatandang kapatid ng biktima matapos mapunta sa malalim na bahagi ng ilog ang bata.

Tinangka pa siyang iligtas ng nakatatandang kapatid pero hindi na rin naisalba dahil sa lakas ng alon.

Nang marekober ang katawan ng bata ay dinala pa ito sa pagamutan pero idineklara nang dead-on-arrival.

–Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.