Droga dahilan ng pamamaril sa Payatas?

ABS-CBN News

Posted at Feb 17 2020 10:36 PM | Updated as of Feb 18 2020 03:34 AM

Inaalam na ng mga awtoridad kung nasangkot sa ilegal na droga ang lalaking pinagbabaril sa St. Mary st., Barangay Payatas A., Quezon City.

Ayon kay Police Lt. Col. Romulus Gadaoni ng Batasan Police, sangkot umano sa droga ang kaanak ng biktimang si Lauriano Bardaje III, 35 anyos, tricycle driver. 

Pero matagal nang umalis ang naturang kaanak sa Payatas.

Ayon naman sa babaeng kapatid ng biktima, taga-Commonwealth na sila at umalis na rin sa Payatas. 

Wala anila silang alam na kaaway ng biktima, na bahay at trabaho lang ang kadalasang inaatupag. 

Pinagbabaril ng isang lalaking nasakasakay ng motorsiklo si Bardaje ng 7:30 ng gabi.

Dahil sa mga insidente ng pamamaril sa Payatas nitong mga nakaraang linggo, sinabi ni Gadaoni na pinaigting ang checkpoint sa mga lugar na sakop ng Batasan Police.-Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.