2 patay sa salpukan ng tricycle, truck sa Bataan

ABS-CBN News

Posted at Feb 17 2020 12:54 PM | Updated as of Feb 17 2020 09:23 PM

Dalawang lalaki ang nasawi sa banggaan ng isang tricycle at isang oil tanker truck sa Mariveles, Bataan noong Pebrero 15, 2020. Retrato mula kay Bayan Patroller Ryan Jorge

Patay ang 2 lalaki matapos mabangga ang kanilang tricycle ng isang oil tanker truck sa bayan ng Mariveles, Bataan, ayon sa mga awtoridad.

Nawalan ng kontrol ang tricycle na minamaneho ni Reneil Milano noong hapon ng Sabado sa may Barangay Maligaya, dahilan para mapunta ito sa kabilang daan at mabangga ng kasalubong na truck, ayon sa imbestigasyon ng Mariveles Municipal Police Station.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa lakas ng pagbangga, tumilapon si Milano at ang pasahero nitong si Edmund Ganigan, at nahiwalay ang motorsiklo sa sidecar.

Dead on the spot si Milano habang binawian naman ng buhay sa ospital si Ganigan.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide and damage to property ang driver ng truck. -- Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.