2 bata sugatan sa hit-and-run sa Laguna

ABS-CBN News

Posted at Feb 17 2020 04:50 PM | Updated as of Feb 17 2020 07:46 PM

Nasagasaan ng isang motorsiklo ang 2 batang tumatawid ng pedestrian lane sa Biñan City, Laguna noong Pebrero 13, 2020. ABS-CBN News

Sugatan ang 2 bata matapos masagasaan ng isang motorsiklo habang tumatawid sa pedestrian lane sa Biñan, Laguna.

Nakunan ng CCTV ng Barangay Canlalay ang insidente noong Huwebes, kung saan makikitang sinalpok ng humaharurot na motorsiklo ang 11 taong gulang na lalaki at ang kaniyang kapatid na 6 taong gulang na babae.

Watch more in iWant or TFC.tv

Humarurot muli ang motorsiklo papatakas, base sa kuha ng CCTV.

Patuloy na nagpapagaling ang magkapatid, na nagtamo ng mga sugat sa braso, binti, at leeg.

Hinahanap na ng mga awtoridad ang 2 sakay ng motorsiklo.

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.