Pampasaherong bus at trak, nagsalpukan sa Nueva Vizcaya

Harris Julio, ABS-CBN News

Posted at Feb 17 2019 11:32 PM

DIADI, Nueva Vizcaya -- Nagsalpukan ang isang pampasaherong bus at truck sa national highway ng Barangay Oriwong sa bayang ito Linggo ng gabi.

Sa inisyal na impormasyon, papuntang Maynila ang Florida bus nang salpukin umano ito ng truck na patungong Santiago City, Isabela.

Wasak ang harap ng dalawang sasakyan sa lakas ng salpukan.

Inaalam pa ng awtoridad ang tunay na dahilan ng aksidente at kung may nasugatan o nasaktan sa mga pasahero.

Nagdulot ang aksidente ng mabigat na daloy ng trapiko sa lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.